![]() |
WEBMAIL LOG-IN "Opportunities and growth are limitless because there are no limits to our people's capacity to dream, imagine and wonder." - Dagupan City Mayor Alipio F. Fernandez Jr. |
WHAT'S NEWDagupan City Kabilang sa Tatanggap ng Special Citation na Ipagkakaloob ng PhilHealthPosted by Mae Viray last 13 hours agoNakatakdang igawad ng Philippine Health Insurance Commission sa lungsod ng Dagupan ang Special Citation sa ilalim ng independent city category, kasabay ng ika-15 anibersaryo ng tanggapan sa ika-12 ng Pebrero na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) at personal ring dadaluhan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ay matapos makatugon ng lungsod ang hangarin ng PhilHealth na Universal Coverage sa ilalim ng Sponsored Program na titiyak sa bawat mamayang Dagupeño ng dekalidad na serbisyong medikal. Read More.Pagpapausbong ng Turismo ng Tondaligan Blue Beach… IsinusulongPosted by Mae Viray last 4 days agoAktibong lumahok sa isang dialogo ang mga miyembro ng Tondaligan Shed Owners Association sa itinakdang pulong ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Alipio F. Fernandez, Jr. kahapon, ika-3 ng Pebrero sa Tondaligan, Bonuan Gueset sa lungsod. Tinatayang mahigit isang daang mga shed owner ang dumalo at nagpahayag ng kani-kaniyang opinyon at saloobin upang mapaganda ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan. Ayon kay Mayor Fernandez, layon ng naturang pagpupulong na mapagbuklod ang mga ideya at programa na magpapaganda at magpo-promote sa Tondaligan Beach bilang pangunahing tourist spot sa lungsod. Read More.Publiko Pinag-iingat ng CHO Laban sa Sakit na MeningococcemiaPosted by Mae Viray last 8 days agoMahigpit na pinaaalalahanan ng City Health Office ang publiko na maging maingat laban sa sakit na Meningococcemia matapos maiulat na ito ang sanhi ng pagkamatay ng isang bata sa lungsod kamakailan. Ang apat na buwang sanggol mula sa isang barangay sa lungsod ay napaulat na nilagnat noong ika-30 ng Enero na agad ring dinala sa isang pribadong pagamutan na may inisyal na diagnosis na viral infection at agad ding pinauwi ng bahay. Subalit kinagabihan ng parehong araw ay muli itong dinala sa ibang pagamutan dahil sa lagnat at kulay violet na rashes sa mukha at katawan na inakala namang sanhi ng dengue fever. Ngunit matapos ang dalawang oras ay agad itong binawian ng buhay at ang diagnosis ng doktor na tumingin sa pasyente ay nabago at naging Meningococcemia suspect. Read More.Deadline sa Pagbabayad ng Buwis sa Lungsod… PinalawigPosted by Mae Viray last 11 days agoMagandang balita para sa mga negosyante sa lungsod ng Dagupan ang ginawang pagpapalawig ng deadline ng pagbabayad ng buwis at mayor’s permit sa lungsod sa bisa ng ipinasang ordinansa ng Sangguniang Panlungsod kamakailan. Ang Ordinance No. 1943-2010 o “extending the deadline for the renewal of mayor’s permit and payment of local business taxes in the City of Dagupan” , ay nagpapahintulot na palawigin ang araw ng pagbabayad mula sa orihinal na petsang January 20 kada taon ay inililipad sa ika-17 ng Pebrero ng taong kasalukuyan. Suportado naman ni Mayor Alipio Fernandez, Jr. ang naturang ordinansa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga negosyante na makabangon mula sa malaking gastusin ng taong nagdaan. Bukod aniya sa kalamidad na naranasan sa lungsod, marami sa mga negosyo ang kailngang makabawi mula sa ibinayad na bonus at ibang insentibo sa mga empleyado nitong nakaraang Kapaskuhan. Read More.Duaran agew ya inpantanem na pakar ed barangay Pantal, matalonggaringPosted by Lanie Tomas last 18 days agoMasulok 1,700 ya paakar o pakar so intanem ed barangay Pantal, siudad na Dagupan ed duaran agew ya agawan tree planting activities. Impanengneng na saray opisyalis na barangay tan ombarangay so pantutulungan tan panangaro dad kaliber-liber ed inpantanem na 450 ya pakar tan inpan-linis ed gilig na ilog na Pantal katulungan so gobiernoy siudad panamegley na City Agriculture Office sanen Enero 22. Read More.Pinal ya ebalwasyon na Pagsasarili Program, asumpal laPosted by Lanie Tomas last 18 days agoLalon nagmamaliw ya interesado iray pampublikon eskwelaan tan opisyalis na barangay ed pipapartisipa dad Pagsasarili Program kada taon. Saya so obserbasyon na kabiangay Department of Education tan Dagupan City Government ed agawan pinal dan ebalwasyon ed amin ya pampublikon elementarya tan sekondarya iran eskwelaan ed siudad parad kumaliman taon na abitlan programa. Inkaliketan nen Edilberto Abalos, Education Program Supervisor na Department of Education (DepEd) ed siudad so nagmaliw ya resulta na sagpot na bumabangat, estudyante tan saray ombarangay. Diad biek na impakadamyos na tanem, impatey na kokomponien dan ay-ayep tan impakasalinap na pankokomponian da na sira ed intubat na bagyon Pepeng nen apalabas a taon et sansian nanpursigi iran ombangon lamet pian makapisali ed Pagsasarili Program. Asingger da lan anien so bunga na nansagpotan da. Read More.Meat Inspection sa mga Pamilihan sa Lungsod... PinaigtingPosted by Mae Viray last 21 days agoMas lalong pinaigting ng City Veterinary Office ang pag-iinspeksyon sa mga ibinabagsak at inalalakong karne sa mga pamilihan sa lungsod kabilang sa Malimgas Market at Centromart. Ito ay alinsunod sa Memorandum na ipinalabas ni acting mayor Belen Fernandez noong ika-12 ng Enero na nagbibigay deriktiba sa tanggapan na tiyaking ligtas ang mga karneng ibinebenta para sa mga consumer partikular ang mga frozen meat. Ayon kay city veterinary Dr. Fernando Banchiran, araw-araw ay nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng inspeksyon sa mga karneng ibinebenta sa lungsod habang isang beses kada linggo ang inspeksyon sa mga cold storage sa mga pamilihan. Read More.Top 10 Taxpayers ng Dagupan, Pinangalanan ng Lokal na PamahalaanPosted by Mae Viray last 21 days agoIpinagmamalaki ng Dagupan ang mahusay na fiscal management na ipinakita ng lokal na pamahalaan para sa taong 2009 na nagresulta upang maibigay ang nararapat na benepisyo sa mga kawani ng lungsod bilang pagkilala na rin sa dedikasyon at natatanging performance sa trabaho sa taong nagdaan. Kaugnay nito saludo rin ang lokal na pamahalaan sa mga nagmamay-ari ng mga establisimyento at korporasyon at mga nagnenegosyo sa lungsod sa tama at napapanahong pagbabayad ng buwis. Ayon kay city treasurer Romelita Alcantara, malaking tulong ang mga nakokolektang buwis na nagmumula sa mga business establishments para sa ikauunlad ng lungsod at pagbibigay tulong upang mapagaan ang pamumuhay ng mga Dagupeño. Read More.CSI, manunaan ya business taxpayer ed DagupanPosted by Lanie Tomas last 22 days agoSaludo so Dagupan City Government ed saray akangaway business establishments ed matoor tan matua dan pambabayar na buwis ed gobiernoy siudad. Onong ed kinen City Treasurer Romelita Alcantara baleg so naitutulong na nakokolektan buwis manlalapod saray business establishments ed iproprogreso na siudad tan iaangat na panamilay na saray Dagupenos. Read More.Dagupan: Serbisyo ang Sikreto sa Bawat TagumpayPosted by Mae Viray last 25 days agoAng taong 2009 ay salamin ng katatagan at pagkakaisa para sa bawat mamamayang Dagupeño na sinubok ng isang matinding hamon bago matapos ang taon bunsod ng hagupit ng bagyong “Pepeng”. Sa kabila ng hamon hindi natinag ang lungsod sa pamumuno ni Mayor Alipio F. Fernandez, Jr. Personal na umalalay ang alkalde sa bawat pangangailangan partikular ng mga barangay na labis na nasalanta. Sa direktiba ni Fernandez walang panahong sinayang upang makaresponde sa bawat pamilyang nangangailangan katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pribadong sektor at mga volunteer groups. Bumuhos rin ang tulong at donasyon dahil sa walang patid na pakikipag ugnayan ng alkalde sa iba’t ibang sanggay at kagustuhang mabilis na makabangon ang lungsod, patunay upang maging karapat-dapat ang Dagupan sa karangalang natanggap bilang Best City Disaster Coordinating Council (CDCC) ng Gawad Kalasag sa buong bansa para sa taong 2009. Read More. |
SEARCHMORE NEWS
|