The Official Website of the City Government of Dagupan

2024 WORLD AIDS DAY CELEBRATION: HIV COUNSELING & TREATMENT, LIBRE SA CHO!

“Huwag matakot magpa-konsulta.”

Ito ang paghihimok ni Dr. Ophelia Rivera, City Health Officer ng Dagupan sa publiko sa pakiki-isa ang lungsod sa kampanya kontra HIV-AIDS kasabay ng 2024 World Aids Day Celebration.

Alamin ang iyong HIV Status! Libre ang mag-avail ng HIV diagnosis/testing, and treatment sa City Health Office (CHO). Pagbabahagi ni Rivera, may mga HIV Counselors ang CHO na humaharap sa mga candidates for testing. Makakatiyak rin ang bawat indibidwal na magiging confidential ang kanilang test.

Sa ngayon ay wala pang lunas ang Human Immunodeficiency Virus (HIV), ayon sa DOH, kaya’t hinihikayat ang mga may sintomas na mag pa-test upang matulungang mapababa ang viral load sa katawan ng isang tao at malabanan ang paglala ng sakit.

Sa datos ng DOH simula 1984-present, mayroong 200 kaso ng HIV-AIDS ang naitala sa lungsod.

“Ang importante ay bukas po ang ating kamalayan”, pahayag ni Rivera. Tinututukan din ang mga “men having sex with men” bilang sila ang vulnerable o may mataas na pagkakataon na mahawa.

Maliban sa pagtalakay sa mahahalagang impormasyon tungkol sa HIV mula Department of Health (DOH) Nurse Vaccinator / Counselor & Treatment Hub Partner Mr. Maynarr Acosta, nagsagawa rin ng Candle Lighting Ceremony/ Vigil sa Dagupan City National High School na dinaluhan ni Vice Mayor BK Kua, Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) Representative Dr. Amadeo Zarate, City Health Office, mga guro at  mag-aaral.

Nagsagawa rin ng Slam Poetry at Poster Making Contest sa tema ng selebrasyon ngayong taon na “Take the Right Path: My Health, My Right!”

Tuwing unang araw ng Disyembre ay ginugunita ang World AIDS Day, isang international day para sa pakikiisa sa laban kontra HIV/AIDS, iwaksi ang stigma tungkol dito, at lalong paigtingin ang suporta para sa lahat ng people living with HIV o PLHIV.

 

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid02o91ihAkGx2iuqTXhPQumf6DnKxL5TpcHKmowNmo8sNsjZn9BtDccM3HXHLKhbzHrl

Related Articles

12 December 2024
CITY SPARK HOLIDAY CHEER THROUGH LIGHTING CEREMONY, OPENS 2024 FIESTA
12 December 2024
LGU-DAGUPAN, DOH, CONDUCT FLU VACCINATION FOR FRONTLINERS, VOLUNTEERS
12 December 2024
2ND SUPER HEALTH CENTER PROJECT NG DOH, SOON TO RISE!