The Official Website of the City Government of Dagupan

75% Batang Dagupeños, Bakunado na vs. Measles, Rubella at Polio!

Umabot na sa 75% ang total accomplishment ng siyudad para sa nag papatuloy na Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA).

Base sa rekord ng City Health Office nitong Huwebes, May 18, umabot na sa 10,748 batang dagupeño edad 9–59 months old ang nabigyan ng Measles Rubella Vaccine at 12,302 para naman sa 0-59 months old with oral polio vaccine.

Kabilang sa mga naidagdag dito ang fixed-post and door-to-door vaccination sa barangay Tambac, Bonuan Gueset, Bonuan Boquig, at Barangay 1 na personal ding binisita ni binisita ni Mayor Belen Fernandez kahapon.

Naitala rin ng siyudad ang panibagong record sa pinakamataas na bilang ng mga batang nabakunahan sa isang araw sa total na 2,436 kids vaccinated noong Martes (May 16), mula sa siyam na barangays na kinabibilangan ng Barangay Pantal, Barangay 4, Bonuan Boquig, Bonuan Gueset, Bonuan Binloc, Caranglaan, Poblacion Oeste, Caranglaan, and Salapingao.

Ang isang buwang MR-OPV SIA mula May 1-31 ay magkatuwang na itinaguyod ng pamahalaang lungsod sa liderato ni Mayor Belen Fernandez, City Health Office sa pangunguna ni Dr. Ophelia Rivera, 22 teams mula Department of Health-Human Resource for Health, World Health Organization (WHO) sa pamamagitan ni WHO Consultant Dr. Namrata Bhatta, Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter, barangay health workers and volunteers.
Ang programang ito ay bahagi ng nasyonal na kampanya sa ilalim ng Department of Health (DOH) upang masigurong protektado ang mga kabataan laban sa naturang mga sakit na maaaring iwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Target na mapa bakunahan ng siyudad ang 14,269 children 9–59 months old for measles-rubella (MR) vaccination and 16,754 children 0-59 months old for oral polio vaccine (OPV) vaccination. Kasabay din nito ang Vitamin A supplementation.

Dala ni Mayor Belen ang mga gatas, vitamins, at snacks para sa mga bata at coffee mix para naman sa mga magulang na dadalhin ang kanilang mga anak para magpabakuna.

(Dagupan CIO News)

Related Articles

12 December 2024
CITY SPARK HOLIDAY CHEER THROUGH LIGHTING CEREMONY, OPENS 2024 FIESTA
12 December 2024
2ND SUPER HEALTH CENTER PROJECT NG DOH, SOON TO RISE!
12 December 2024
LGU-DAGUPAN TURNS OVER SEC. ANGARA'S 3-STOREY MULTI-PURPOSE BUILDING TO BRGY. BONUAN BOQUIG