“Nidayew Karuman, Nibelyaw natan, Nitanduro ed Kaimbuwasan”
Libo-libong Dagupeño ang kasamang sumaksi sa pagbabalik tanaw ng Dagupan sa matagumpay na 75 years simula nang opisyal na maitatag ito bilang lungsod sa naganap na Diamond Jubilee Grand Parade nitong December 15 sa downtown area.
Bahagi ito ng year-long celebration ng 75th Founding Anniversary at 2022 City Fiesta ng Dagupan sa pangunguna ni Diamond Jubilee Executive Chair Mayor Belen Fernandez at Diamond Jubilee City Fiesta Hermano Mayor at Councilor Michael Fernandez, katuwang ang DepEd Dagupan.
Tampok sa parada ang Diamond Jubilee float, replika ng century-old at historic Manila-Dagupan train locomotive engine at ang lumang Dagupan Pantranco bus na nagsilbing simbolo ng sibilisasyon at mabilis na pag-unlad ng Dagupan bilang sentro ng kalakalan.
Nilahukan din ito ng 31 barangays at mga paaralan sa Dagupan, Miss Diamond Jubilee candidates, Manlingkor ya Kalangweran young city officials, national government agencies, city department heads and employees, Dagupan Lesbians and Gays Association (DALAGA) at mga civic organizations.
Sinundan naman ito ng isang programa sa city plaza at launching ng Dagupan City History Module na sinaksihan nina Atty. Gerald Tabadero bilang kinatawan ni Congressman Christopher de Venecia, Atty. Gonzalo Duque at dating Director Pebbles Duque, kasama ng iba pang miyembro ng Diamond Jubilee Executive Committee na sina Assistant Schools Division Superintendent Dr. Marciano Soriano Jr., Federated PTA President Gerry Pradez, Mr. Rex Catubig, City Councilors Jigs Seen, Dennis Canto, Liga ng mga Barangay President Marcelino Fernandez, SK Federation President Joshua Bugayong at dating city councilor Karlos Reyna.
Sa mensahe ni Mayor Belen, kanyang binalikan ang pambihirang pagkakataon kung saan kanyang pinangunahan ang tatlong jubilee celebration ng siyudad.
Una, noong 1997, sa ika- 50 anibersaryo ng lungsod, pinangunahan ng noo’y konsehal Belen Fernandez ang Golden Year Celebration ng City of Dagupan.
Makalipas ang 20 taon, ang Platinum Anniversary celebration naman ay isinagawa noong 2017 sa ilalim ng kanyang ikalawang termino bilang Mayor ng lungsod.
At sa taong kasalukuyan, Diamond Jubilee celebration naman ng siyudad, sa landslide victory at matagumpay na pagbabalik ni Mayor Belen sa panunungkulan.
Pagpapahayag ni Mayor Belen, “Pinagtibay na tayo ng panahon…We braved through many challenges and rose triumphantly because we rose together as one people.”
(Dagupan CIO News)