Nangunguna sa environmental actions ang Dagupan City na kinilala bilang BEST ENVIRONMENTAL PARTNER ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginanap na “πππͺππ πππππππ-π¦ππ‘” Philippine Environment Month 2024 Culminating Program.
Malugod na tinanggap ni Mayor Belen Fernandez ang award, kasama sina Atty. Gil Aromin, Environmental Programs Consultant at Waste Management Division Chief Bernard Cabison noong July 15, sa Hotel Ariana & Restaurant na nakabase sa Paringao, Bauang, La Union.
Ang parangal ay bilang pagkilala sa aktibong partisipasyon ng siyudad at pakikipagtulungan sa nasyonal na gobyerno para sa pagsasagawa ng mga programa, proyekto, at aktibidad na nangangalaga sa kapaligiran at likas yaman.
Ayon sa alkalde, naging mahalaga dito ang kontribusyon ng mga barangay officials, kabilang ang mga SK officials, barangay frontliners at mga non-governmental organizations.
Taos-pusong pasasalamat din ang ipinaabot ni Mayor Belen sa mga bumubuo ng CMO Team, partikular kina City Legal Officer Atty. Aurora Valle sa pagbuo ng Executive Order No. 2. o βCreating and Organizing Foreshore Regulatory Commission of the City of Dagupanβ na nagresulta sa pagtanggal o paglinis ng mga ilegal na istraktura sa may tabing-dagat ng Bonuan Binloc at sa tulong ng Engineering Office ng siyudad sa pangunguna ni City Engineer Josephine Corpuz, Dagupan City PNP sa pamumuno ni PLtCol Brendon Palisoc, at sa DENR-CENRO sa pangunguna ni Engr. Noriel Nisperos, CDRRMO Chief Ronaldo De Guzman, City Health Office sa pangunguna ni Dra. Ophelia Rivera at CHO Sanitation Division Armie Claveria, City Agriculture OIC Patrick Dizon, at Sherwin Ubando ng Bantay Ilog.