The Official Website of the City Government of Dagupan

PAGGUNITA SA IKA-161 ARAW NG KAPANGANAKAN NI GAT ANDRES BONIFACIO

Kaisa ang lokal na pamahalaan ng Dagupan, sa pangunguna ni Mayor Belen T. Fernandez, sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-161 na kaarawan ng pambansang bayani at ama ng Katipunan, Gat. Andres Bonifacio, sa araw na ito, November 30.

Ang paggunita sa araw ng kapanganakan ng dakilang rebolusyonaryo ay isinagawa sa pamamagitan ng pagaalay ng bulaklak sa monumento ni Bonifacio sa city plaza at dinaluhan nina Councilor Jeslito Jigs Seen, Knights of Columbus, Msgr. Antonio Padilla Assembly No.1582, Msgr. Henry C. Schmitz Assembly No. 2995, officers and members of the Pangasinan Masonic Lodge No. 56, Alfonso Lee Sin Masonic Lodge No. 158, VW Gilbert Bencito, VW Rolly Reyes, Masonic Distrcit R1 Pangasinan,  PLtCol Brendon Palisoc and Dagupan PNP personnel, Dagupan City Fire Station, City Mayor’s Office and City Tourism Office.

“Maligayang Kaarawan, Supremo!”, pagbati ng mga Dagupeño.

Taong 1863, ipinanganak ang tinaguriang “Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino” at siyang nagtatag ng Kataas-taasan, Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan sa layuning palayain ang Pilipinas mula sa kamay ng mga mananakop mula Espanya.

 

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/1114882786760745?rdid=naCva4MFG2uOInvt

Related Articles

12 December 2024
CITY SPARK HOLIDAY CHEER THROUGH LIGHTING CEREMONY, OPENS 2024 FIESTA
12 December 2024
LGU-DAGUPAN, DOH, CONDUCT FLU VACCINATION FOR FRONTLINERS, VOLUNTEERS
12 December 2024
2ND SUPER HEALTH CENTER PROJECT NG DOH, SOON TO RISE!