Para sa mas pinalapit ng sebisyong pangkalusugan, sisimulan na ngayong araw ang pagpapatayo ng ikalawang Super Health Center (SHC) sa Dagupan na bigay ng Department of Health (DOH) dito sa Barangay Malued.
Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez, Katulad ito ng una nang ipinatayo sa Barangay Bolosan na napakikinabangan na ngayon mga taga eastern barangays sa abot 2,000 consultations and out-patient services buwan-buwan kabilang ang mga sumusunod na serbisyo:
- medical consultation,
- dental services,
- laboratory services,
- ECG
- pharmacy (free medicines),
- prenatal check-up,
- immunization
- family planning
- Philhealth E-Konsulta
Dito sa Brgy. Malued, masisilbihan ng SFC ang mga karatig barangays ng Lasip Chico, Pogo Grande, Pogo Chico, Tapuac, at Lucao.
Ipinahayag ni Mayor Belen ang pasasalamat sa lahat, lalo na sa DOH Region 1 sa pangunguna ni Regional Director Dr. Paula Paz Sydiongco, Asec. Dr. Maria Rosario Vergerie at DOH Secretary Ted Herbosa.
Sa suporta ito ng Sangguniang Panlungsod led by the New Majority – Vice Mayor Bryan Kua, Councilors Michael Fernandez, Jigs Seen, Dennis Canto, Lino Fernandez and Bradley Benavides.
“Kailangan namin ang tulong ng bawat isa – mga barangay officials, Kap Pheng and the council, barangay volunteers, lahat ng BHW, BNS, BSPO na tumutulong na umiikot sa bawat tahanan upang tiyakin ang kalusugan ng lahat.” mensahe ni Mayor Belen.
(20+) #GROUNDBREAKING: 2ND SUPER HEALTH CENTER… – Dagupan City Government | Facebook