Pasado na sa Local Development Council (LDC) ang 2023 Proposed Supplemental Annual Investment Program (SAIP) No. 2; 2023 Proposed Supplemental Budget No. 1; 2024 Proposed Annual Investment Program (AIP); at ang 2024 Proposed Annual Budget matapos talakayin ito sa kanilang meeting nitong October 4 sa CSI Stadia.
Iprinesenta ni Mayor Belen Fernandez na tumatayong LDC Chairman ang mga programang nakapaloob sa mga ito sa mga miyembro ng council na kinabibilangan ng People’s Council sa pangunguna ni Atty. Liberato Reyna Jr., Sangguniang Panlungsod (SP) members, barangay captains, department heads, national government agencies, school associations, transport cooperatives at private organizations.
Inaprubahan ang SAIP na nagkakahalaga ng 339,359,536.50 pesos sa mosyon ni Francisco Arzadon (academe) habang si Malued Punong barangay Filipina delos Santos ang nagmosyon para sa approval ng 2023 Proposed Supplemental Budget worth 339,359, 536.50 pesos.
Samantala, ang 2024 AIP amounting to 2,018,655,400 pesos ay ipinasa rin sa mosyon ni Tebeng Punong Barangay Helen Fermill kung saan nakapaloob dito ang 5% City Disaster Risk Reduction and Management Fund na 69,250,000 pesos na ipinasa rin ng council sa mosyon ni SP Member Joshua Bugayong.
Aprubado rin sa mosyon ni Pantal Punong Barangay Julie Perez ang 1,385,000,000 pesos para sa Annual Budget ng Dagupan sa taong 2024.