The Official Website of the City Government of Dagupan

Categories
Press Release Scholarship

Binuo na ang Scholarship Committee ng Dagupan

Binuo na ang Scholarship Committee ng Dagupan at nag meeting kanina upang maihanda na ang Implementing Rules and Regulations ng Ordinance No. 2246-2022 ” Adopting The Revised Comprehensive Dagupan City Government Scholarship And Educational Assistance Program, and Providing Funds Thereof”.

Ito ay binubuo ng mga sumusunod: Mayor Belen T. Fernandez bilang chairman, Vice Mayor Dean Bryan Kua bilang vice chairman at mga miyembro na sina Schools Division Supt. Aguedo Fernandez, Commission on Higher Education OIC Director Danilo Bose, President of Association of Private Schools and Universities Dr. Aurora Samson-Reyna, City Social Welfare and Development OIC Irene Ferrer at Liga ng mga Barangay President Councilor Lino Fernandez.

Itong pagconvene ng meeting ni Mayor Belen ay para sa implementation and administration ng naturang scholarship and educational assistance program.

 

 

Categories
City Health Office Open 24/7 Press Release

Free Ultrasound, X-Ray, at ECG Umpisa nang Napakikinabangan ng mga Indigent Dagupeños

Nag-umpisa nang napapakinabangan ng mga indigent Dagupeños ang FREE ultrasound services sa Diagnostic Center ng Dagupan.

Ngayong araw (Biyernes), July 22, ay nagsimula nang tumanggap ng mga pasyente ang City Health Office (CHO) para sa mga scheduled for ultrasound.

Ayon kay Dr. Ma. Frederika Osoyos, ultrasonologist/radiologist, target ng CHO na maserbisyuhan ang nasa 20 patients per day (tuwing Martes at Biyernes) para sa naturang serbisyo.

Operational na rin ang Diagnostic Center para sa mga nangangailangang magpa X-ray at ECG habang pino-proseso na rin ang permit para sa operation ng CT scan, ayon kay Dra. Ophelia Rivera, City Health Officer.
Sa mga Dagupeñong nais mag avail ng libreng ultrasound, X-ray, at ECG, kinakailangan lamang dalhin ang request form mula sa inyong mga doktor.

Makipag-ugnayan lamang sa City Health Office sa barangay Herrero-Perez. Katabi nito ang building ng Diagnostic Center upang kayo’y makapag pa-schedule at masuri.

Matatandaan na ipinangako ni Mayor Belen T. Fernandez ang mga serbisyong ito na ibibigay sa mga indigent Dagupeño bilang bahagi ng programa niyang pangalagaan ang kanilang kalusugan.

Categories
City Health Office Open 24/7 Press Release

Blessing of ECG, Ultrasound, and X-Ray Machine Isinagawa

Bilang paghahanda sa 24-hour emergency health center na maghahatid ng mas pinabilis na serbisyong pang kalusugan, pinangunahan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang blessing ng ECG monitoring, ultra sound, at x-ray machine, nitong Martes, July 19.

Ang mga modernong kagamitang ito ay nasa Diagnostic Center ng siyudad, kasama ng nauna nang itinurn-over na bagong CT scan machine mula sa Department of Health.

Malugod ding ibinalita ni Mayor Belen na libre ito para sa mga indigent dagupeños. Simula bukas (Huwebes) ay maari nang magamit ng ating mga kabaleyan ang libreng ECG, ultra sound, at x-ray.
Ayon kay Dra. Ophelia Rivera, City Health Officer, pino-proseso na rin ang permit para sa operation ng CT scan at training ng mga personnel.

Target ng CHO na maserbisyuhan ang nasa 20 patients per day (tuwing Martes at Biyernes) para sa ultrasound.

Sa Oktubre naman inaasahan na maging fully- operational na ang CT scan at iba pang laboratory/blood test.

Categories
City Health Office Open 24/7 Press Release

Libreng CT Scan at iba pang Serbisyo sa Diagnostic Center, Mapakikinabangan na ng mga Dagupeño

Pinangunahan ni City Mayor Belen T. Fernandez ang hand-over ceremony ng Computed Tomography (CT) Scan machine kahapon (July 6) sa City Health Office bilang bahagi ng Unli-serbisyo sa Pangkalusugan na programa ng pamahalaang lungsod.

“Ang programang pangkalusugan ay isa sa prayoridad ng ating administrasyon dahil napakahalaga ng buhay,” pahayag ni mayor habang pinasalamatan din niya ang Department of Health (DOH) sa kanilang suporta sa pagturnover ng mga kagamitang pang-medikal.

Ayon kay Mayor Fernandez, ang pinakahihintay na kaganapang ito ay isa sa kanyang pangarap upang makinabang ang mga Dagupeño sa mga serbisyong makatutulong sa pag-detect ng kung ano mang problemang pangkalusugan at maagapan o mabigyang-lunas ang mga ito.

“Ito ay bunsod din sa isang personal na trahedya dahil marami akong mga kaibigan at kakilala na namatay o mga pamilya nila na nawala na dahil hindi nila naagapan o napagamot ang kanilang mga karamdaman,” dagdag pa ng mayor.

Ayon kay DOH Regional Director Paula Sydiongco, “Isang milestone ang hand-over ng naturang machine sa Dagupan at nawa’y maging instrumento ito na mapalakas ang programa laban sa Covid-19.”

Pinasalamatan rin ni Regional Director Sydiongco ang Asian Development Bank (ADB) na siyang katuwang ng DOH sa Heal Covid-19 program sa layuning na mapalaganap ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga medical equipment at supplies sa buong bansa.

Ipinabatid naman ni Director IV Leonita Gorgolon na ang Dagupan ay isa sa 33 sites lamang sa buong bansa na napili upang makatanggap ng CT Scan machine. Sa kasalukuyan, ang naturang equipment ay pang-walo pa lamang sa kabuuang bilang na naipamahagi na ng DOH at ADB.

“Kami ay laging handang suportahan ang mga programang pangkalusugan ng Dagupan,” ayon pa kay Gorgolon.
Noong taong 2019, pinasinayaan ni Mayor Fernandez ang Diagnostic Center na katabi ng CHO, sa tulong rin ng DOH.
Inanunsyo rin ng mayor na bukod sa CT Scan, mayroon ding Electrocardiogram (ECG), Ultrasound at X-rays sa Diagnostic center bukod sa laboratory tests na libreng maaavail ng mga indigent Dagupeños.