The Official Website of the City Government of Dagupan

BALAY SILANGAN, NALALAPIT NA ANG OPERASYON!

Nalalapit na ang operasyon ng Balay Silangan na magsisilbing reformation facility ng mga indibidwal na apektado ng ilegal na droga tungo sa pagbabalik sa normal na pamumuhay.

Kaugnay nito ay sumailalim na ang mga barangay officials sa BDCP Orientation sa pangangasiwa ng PDEA Provincial Office sa pangunguna ni Pangasinan Provincial Director Retchie Camacho, DILG Dagupan CLGOO Royolita Rosario, Dagupan PNP sa pamumuno ni PtCol Brendon Palisoc, at ng City Social Welfare and Development Office.

Dito ay muli ring nagkaroon ng pag uusap para sa mga kinakailangan pang ihanda sa mas pinagtibay na drug reformation program sa Dagupan.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, mahalaga ito dahil isa sa requirements para sa drug clearing operations ng PDEA ay ang establishment ng isang Balay Silangan.

Inaasahan din ng siyudad ang kooperasyon ng bawat isa tungo sa pagiging Drug-Free City at ito, ayon sa alkalde ay kinakailangang magsisimula sa bawat barangay.

Maliban sa paglalaan ng pasilidad para sa Balay Silangan na akma sa requirements ng PDEA, ang siyudad ay handa rin niyang maglaan ng tulong pinansyal bilang suporta sa pamilya ng drug offenders habang sumasailalim sa rehabilitasyon at livelihood assistance matapos ang naturang rehab intervention.

Related Articles

20 November 2024
CITY TURNS OVER AGRICULTURAL MACHINERY TO LOCAL FARMERS
20 November 2024
ALS' PROGRAM'S 3-STOREY BUILDING, SOON TO RISE AT JUAN P. GUADIZ ELEM. SCHOOL
20 November 2024
3-STOREY 9-CLASSOOM SCHOOL BUILDING AT NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL, SOON TO RISE