Category: Press Release
Which is why, I assigned Alan Dale Zarate to lead the task force that will focus on improving its present condition.
This morning, I’m glad that Zarate made a satisfactory report about the ownership of private and government owned land (combined), plus a study on how to improve the cemetery and address the flooding issues with the help of the City Planning and Development Office.
Together with CEO Engr. Josephine Corpuz, Engr. Athena, Dra. Ophelia Rivera and Atty. Cattleya De Guzman, we also discussed the possibility of having a columbarium to address the graveyard space shortage in the future.
As we call this a ‘consultative meeting’ regarding the earthquake and tsunami warnings in our communities.
We discussed the mitigation and prevention measures on worse case scenarios that might happen in the future. Moreover, they conducted repair and maintenance check up of all the Tsunami Alerting Stations located in 5 coastal and island barangays of our city.
It’s sad to say, but we need our budget for preparedness which is already delayed, as we are now required to update our (outdated) Tsunami Early Warning Stations (TEWS) and Rapid Earthquake Assessment System (REDAS) which was installed during my first term in 2014, so that we can effectively simulate earthquake, tsunami and flood.
So, this a good preparation with PHILVOLCS Team headed by Mr Joel Oestar, science research analyst; Roschele Ablan, science research assistant; Christian Andres, project technical aide VI; Manolito Begonia, admin aide VI, together with our PARMC Team led by Melykhen Bauzon.
I am asking PHILVOLCS to help us, because I want to make sure that we know what to do, and we can make a sound decision in times of disasters.
We will be conducting another meeting with CDRRMO, CEO, Kap Lino Fernandez, One Bonuan and all the other barangays, private engineers, civil society, CHO and CSWD regarding this matter. This is a top priority.
Ang P30million budget ng proyekto ay kasama sa mga infrastructure projects na ni-request ni Mayor Belen Fernandez mula sa mga ahensya at nasyonal na gobyerno.
Kaugnay nito, nagsagawa na ng evaluation at validation ang DPWH Pangasinan 2nd District para sa proposed project.
Personal ding tinungo ni Mayor Belen Fernandez ang paaralan para tignan ang lokasyon ng gagawing proyekto kasama sina DepEd Dagupan SDS Aguedo Fernandez, Division Chief Edilberto Abalos, DepEd Engineer Tatum Manzano, DCNHS School Principal Willy Guieb, FPTA President Gerry Pradez, OIC City Engineer Josephine Corpuz at Engr. Athena Intal, Engineer III – City Engineering Office.
Pinagaaralan ngayon ng siyudad ang planong pagpapatayo ng new DOST PAGASA Dagupan Station and Planetarium.
Itatayo ito sa bahagi ng Tondaligan Ferdinand Beach sa Bonuan area kung nasaan ang kasalikuyang lokasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Dagupan Station.
Ang proyekto sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) ay iprinesenta na nitong Huwebes (January 26) ni PAGASA Dagupan Chief Engr. Jose Estrada kay Mayor Belen sa naganap na meeting kasama sina CDRRMC Head Ronald de Guzman, OIC City Engineer Josephine Corpuz at Engineer III Athena Intal ng City Engineering Office.
DAGUPAN CITY–Natanggap na ng 226 remaining beneficiaries ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa Dagupan City ang P2,000 na halaga ng food subsidy assistance.
Pinangunahan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang payout sa city plaza.
Kasabay din nito ang pamamahagi ng financial assistance mula naman sa lokal na pamahalaan.
40 indigent Dagupeños na humihingi ng tulong sa lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pinagkalooban ng financial assistance para sa medical, burial, food, educational at emergency shelter.
Tuloy ang infrastructure projects sa Dagupan na nirequest ni Mayor Belen Fernandez mula sa mga ahensya at nasyonal na gobyerno.
Isa dito ang P20 Million pondo mula sa tanggapan ni Sen. Francisco Tolentino para sa gagawing upgrading of PCC Pavement and Drainage System sa Don Jose Calimlim Road (Callejon St.) sa Brgy. Pogo Chico.
Sa naganap na meeting nina Mayor Belen kasama ang DPWH Region 1 Planning Section nitong Miyerkules (January 25) kanilang ipinahayag na dumating na ang naturang pondo at inihahanda na program of works and detailed estimate para masimulan ito.
Kasama ang City Engineering Office, tinungo na rin ni Mayor Belen at DPWH ang lugar para sa site inspection at pag validate sa proposed project.
Ayon kay Mayor Belen, isa ang Brgy. Pogo Chico sa mga grabeng naaapektuhan ng pagbaha tuwing bagyo o tag-ulan.
Inaasahan aniya na maiibsan nito ang pagbaha sa lugar pagkatapos ng proyekto.
“Nidayew Karuman, Nibelyaw natan, Nitanduro ed Kaimbuwasan”
Libo-libong Dagupeño ang kasamang sumaksi sa pagbabalik tanaw ng Dagupan sa matagumpay na 75 years simula nang opisyal na maitatag ito bilang lungsod sa naganap na Diamond Jubilee Grand Parade nitong December 15 sa downtown area.
Bahagi ito ng year-long celebration ng 75th Founding Anniversary at 2022 City Fiesta ng Dagupan sa pangunguna ni Diamond Jubilee Executive Chair Mayor Belen Fernandez at Diamond Jubilee City Fiesta Hermano Mayor at Councilor Michael Fernandez, katuwang ang DepEd Dagupan.
Tampok sa parada ang Diamond Jubilee float, replika ng century-old at historic Manila-Dagupan train locomotive engine at ang lumang Dagupan Pantranco bus na nagsilbing simbolo ng sibilisasyon at mabilis na pag-unlad ng Dagupan bilang sentro ng kalakalan.
Nilahukan din ito ng 31 barangays at mga paaralan sa Dagupan, Miss Diamond Jubilee candidates, Manlingkor ya Kalangweran young city officials, national government agencies, city department heads and employees, Dagupan Lesbians and Gays Association (DALAGA) at mga civic organizations.
Sinundan naman ito ng isang programa sa city plaza at launching ng Dagupan City History Module na sinaksihan nina Atty. Gerald Tabadero bilang kinatawan ni Congressman Christopher de Venecia, Atty. Gonzalo Duque at dating Director Pebbles Duque, kasama ng iba pang miyembro ng Diamond Jubilee Executive Committee na sina Assistant Schools Division Superintendent Dr. Marciano Soriano Jr., Federated PTA President Gerry Pradez, Mr. Rex Catubig, City Councilors Jigs Seen, Dennis Canto, Liga ng mga Barangay President Marcelino Fernandez, SK Federation President Joshua Bugayong at dating city councilor Karlos Reyna.
Sa mensahe ni Mayor Belen, kanyang binalikan ang pambihirang pagkakataon kung saan kanyang pinangunahan ang tatlong jubilee celebration ng siyudad.
Una, noong 1997, sa ika- 50 anibersaryo ng lungsod, pinangunahan ng noo’y konsehal Belen Fernandez ang Golden Year Celebration ng City of Dagupan.
Makalipas ang 20 taon, ang Platinum Anniversary celebration naman ay isinagawa noong 2017 sa ilalim ng kanyang ikalawang termino bilang Mayor ng lungsod.
At sa taong kasalukuyan, Diamond Jubilee celebration naman ng siyudad, sa landslide victory at matagumpay na pagbabalik ni Mayor Belen sa panunungkulan.
Pagpapahayag ni Mayor Belen, “Pinagtibay na tayo ng panahon…We braved through many challenges and rose triumphantly because we rose together as one people.”
(Dagupan CIO News)
SHINE BRIGHT LIKE A DIAMOND.
Pinangunahan rin ni Senator Imee Marcos ang Christmas Lighting Ceremony sa Quintos Bridge at giant Christmas Tree sa City Plaza bilang opisyal na pagsalubong sa selebrasyon ng kapaskuhan sa Dagupan.
Ngayong taon ang Diamond Jubilee celebration ng Dagupan bilang lungsod na siyang inspirasyon sa pinakaaabangang dekorasyon at pailaw sa Quintos Bridge at sa City Plaza.
Excited na sumabay sa countdown ang mga Dagupeño na kasamang dumalo at sinaksihan ang inihandang concert sa City Plaza tampok ang live performances nina The Voice Kids (Season 1) Grand Champion, Lyca Gairanod, Bandang Lapis at iba pang mga local bands.
Iba’t ibang aktibidad pa ang inihanda ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez kaugnay ng year-long celebration ng 75th Diamond Anniversary ng cityhood of Dagupan.
(Dagupan CIO News)
Pormal nang inumpisahan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ni Mayor Belen T. Fernandez ang rehabilitasyon at re-engineering ng Tondaligan Ferdinand sa barangay Bonuan Boquig. Pangunahing layunin nito ang total closure ng 60-year-old open garbage dumpsite sa lugar.
“This is an important day in history that would be marked and remembered many years from now…THERE IS NO MORE TIME TO WASTE in solving Dagupan’s garbage problem which we miserably failed to rid off our back like a monkey for the last 60 years”, mensahe ni Mayor Belen sa project commencement ceremony na isinagawa nitong Biyernnes, November 4, sa Old Tondaligan Dumpsite Facility.
Dinaluhan ang aktibidad nina Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Regional Director Engr. Maria Dorica Naz-Hipe, Arn Central Development Corporation (ACDC) Project Proponent Engr. Arnold Espinoza at ADCC Project Management Team.
Nagpaabot rin ng kanyang mensahe si DENR-EMB National Director Engr. William Cuñado.
Kasama ring dumalo sa event nina Asst. Regional Director Engr. Raymundo C. Gayo, DENR PENRO Raymond Rivera, CENRO Central Pangasinan For. Frank Vincent Danglose, DILG CLGOO Roma Soriano, Deped Dagupan SDS Aguedo Fernandez, Vice Mayor BK Kua, Councilors Jigs Seen, Michael Fernandez, Dennis Canto, Lino Fernandez, Joshua Bugayong, Dagupan LGU department heads, barangay captains, at iba pang stakeholders.
Binuo na ang Scholarship Committee ng Dagupan at nag meeting kanina upang maihanda na ang Implementing Rules and Regulations ng Ordinance No. 2246-2022 ” Adopting The Revised Comprehensive Dagupan City Government Scholarship And Educational Assistance Program, and Providing Funds Thereof”.
Ito ay binubuo ng mga sumusunod: Mayor Belen T. Fernandez bilang chairman, Vice Mayor Dean Bryan Kua bilang vice chairman at mga miyembro na sina Schools Division Supt. Aguedo Fernandez, Commission on Higher Education OIC Director Danilo Bose, President of Association of Private Schools and Universities Dr. Aurora Samson-Reyna, City Social Welfare and Development OIC Irene Ferrer at Liga ng mga Barangay President Councilor Lino Fernandez.
Itong pagconvene ng meeting ni Mayor Belen ay para sa implementation and administration ng naturang scholarship and educational assistance program.
Nag-umpisa nang napapakinabangan ng mga indigent Dagupeños ang FREE ultrasound services sa Diagnostic Center ng Dagupan.
Ngayong araw (Biyernes), July 22, ay nagsimula nang tumanggap ng mga pasyente ang City Health Office (CHO) para sa mga scheduled for ultrasound.
Ayon kay Dr. Ma. Frederika Osoyos, ultrasonologist/radiologist, target ng CHO na maserbisyuhan ang nasa 20 patients per day (tuwing Martes at Biyernes) para sa naturang serbisyo.
Operational na rin ang Diagnostic Center para sa mga nangangailangang magpa X-ray at ECG habang pino-proseso na rin ang permit para sa operation ng CT scan, ayon kay Dra. Ophelia Rivera, City Health Officer.
Sa mga Dagupeñong nais mag avail ng libreng ultrasound, X-ray, at ECG, kinakailangan lamang dalhin ang request form mula sa inyong mga doktor.
Makipag-ugnayan lamang sa City Health Office sa barangay Herrero-Perez. Katabi nito ang building ng Diagnostic Center upang kayo’y makapag pa-schedule at masuri.
Matatandaan na ipinangako ni Mayor Belen T. Fernandez ang mga serbisyong ito na ibibigay sa mga indigent Dagupeño bilang bahagi ng programa niyang pangalagaan ang kanilang kalusugan.
Bilang paghahanda sa 24-hour emergency health center na maghahatid ng mas pinabilis na serbisyong pang kalusugan, pinangunahan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang blessing ng ECG monitoring, ultra sound, at x-ray machine, nitong Martes, July 19.
Ang mga modernong kagamitang ito ay nasa Diagnostic Center ng siyudad, kasama ng nauna nang itinurn-over na bagong CT scan machine mula sa Department of Health.
Malugod ding ibinalita ni Mayor Belen na libre ito para sa mga indigent dagupeños. Simula bukas (Huwebes) ay maari nang magamit ng ating mga kabaleyan ang libreng ECG, ultra sound, at x-ray.
Ayon kay Dra. Ophelia Rivera, City Health Officer, pino-proseso na rin ang permit para sa operation ng CT scan at training ng mga personnel.
Target ng CHO na maserbisyuhan ang nasa 20 patients per day (tuwing Martes at Biyernes) para sa ultrasound.
Sa Oktubre naman inaasahan na maging fully- operational na ang CT scan at iba pang laboratory/blood test.