The Official Website of the City Government of Dagupan

CITY PARTNERS WITH HOLCIM PH, VOWS TO END 60-YR OLD GARBAGE CRISIS

Kasabay ng Zero Waste Month ngayong Enero, nilagdaan na po natin ang Memorandum of Agreement with Holcim Philippines, Inc. ngayong hapon, bilang “long term” at epektibong solusyon upang tapusin na ang 60-taong krisis ng ating siyudad sa basura.

Sa partnership na ito, LIBRE at walang gastos ang ating gobyerno! At sa wakas ay magiging posible na ang ating matagal nang pangarap na maipasara ang open dumpsite sa Bonuan Tondaligan Ferdinand Beach.

IT IS A DREAM THAT’S HARD TO ACHIEVE, BUT WITH HOLCIM, WE CAN DO IT ALL TOGETHER!

Kasunod na po nito ang tourism development na nakalinya para sa Tondaligan with the on-going One Bonuan Tourism Pavilion construction at ang Gen. Dauglas MacArthur Park sa Bonuan Blue Beach.

Kasama natin sa hakbang na ito ang lahat ng 31 barangays sa paghikayat ng responsible waste management, pagse-segregate ng basura simula sa households, mga paaralan, at maging sa business sector.

Matatandaang ibinasura ng nakaraang administrasyon ang libreng $15M Waste to Worth na sana’y matagal nang tumapos sa garbage problem ng siyudad.

Hindi po tayo huminto sa paghahanap ng solusyon. Ang partnership with Holcim ay matagal din na nabinbin mula sa pagharang ng 7 Majority Councilors kasama ng budget para sa mga kagamitan at dump trucks para sa epektibong pagproseso at paghahakot ng mga basura papunta sa Holcim.

Sa kabila ng mga hamon, nagpapasalamat po tayo sa opurtunidad na ito mula sa Holcim Philippines at sa tulong nina Vice Mayor BK Kua at Councilors Michael Fernandez, Jigs Seen, Dennis Canto, Lino Fernandez, and Bradley Benavidez na nagsilbing New Majority at mabilis na tinrabaho ang approval ng proyekto sa loob lamang ng 60-days.

https://www.facebook.com/mbtfpage/posts/pfbid0KKZr6sjXyzDzUXNar6UtaVTXBhfhtDiEGonD2igit3VYvenexQVq4YAkAnoFAHFQl

Related Articles

5 May 2025
𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗚𝗥𝗜𝗟𝗟𝗦 𝟮𝟱,𝟬𝟬𝟬 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗜𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗞𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗘𝗗 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗡; 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗧𝗔𝗜𝗡𝗦 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗡𝗨𝗔𝗟 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬
29 April 2025
CITY WELCOMES MILPITAS CITY VICE MAYOR GARRY BARBADILLO, ESQ!
29 April 2025
PINAKAMALAKI! PINAKAMAHABA! PINAKA MAGANDANG BANGUS! DITO LANG YAN MAKIKITA SA DAGUPAN CITY!