Hatid nito ay dagdag kabuhayan para sa mahihirap na kabaleyan.
Isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng lokal na pamahalaan at Department of Science and Technology (DOST) ang nilagdaan ni Mayor Belen Fernandez kasama sina DOST Undersecretary for Regional Operations Engr. Sancho A. Mabborang, OIC Regional Director Dr. Teresita Tabaog at mga partner agencies ngayong Martes, May 16.
Inaasahan itong magbibigay ng dagdag kabuhayan sa mga mahihirap nating kabaleyans sa pamamagitan ng Science and Technology interventions, bagay na pinag-usapan din ng alkalde, kasama sina Provincial Governor Mario Eduardo Ortega ng La Union at USEC. Mabborang.
Ang Community Empowerment through Science and Technology (CEST) ay programa ng nasyonal na gobyerno sa pangunguna ni DOST Secretary Engr. Renato Solidum Jr. na nakafocus sa poverty alleviation lalo na sa mga remote communities.
Sa Dagupan, kabilang sa mga remote areas na pangunahing tututukan ang Sitio Tocok sa Brgy. Lucao, Sitio Talaib sa Brgy Calmay, at Sitio Guibang Brgy. Pantal.
Sa message of commitment ni Mayor Belen, kanyang ipinahayag ang pagtanggap sa hamon na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino kaisa ang lahat ng mga stakeholders.
“I therefore join you and all the other stakeholders in taking the challenge…the collaborative efforts by all the partners is truly inspiring because of this effort to reach out to those who have long been left behind.”
“Dagupan has always given the highest preferential attention to these communities ever since I became city mayor back in 2013, and our efforts have not ceased “to bring government closer to our people”, dagdag pa ng alkalde.
Kasama ni Mayor Belen na dumalo sa DOST-CEST MOA Signing Ceremony sa DMMMSU International Convention Center, Bacnotan, La Union sina Atty. Cattleya de Guzman, City Agriculture Officer-In-Charge Patrick Dizon, Punong Barangay Julie Perez (Pantal), Evangelita dela Cruz (Calmay) at barangay secretary Alex Garcia bilang kinatawan ni Liga ng mga Barangay President at Lucao Barangay Captain Lino Fernandez.
Samantala, tinanggap ni Vice Governor Lambino ang CEST program para naman sa lalawigan ng Pangasinan at ni Cong. Toff de Venecia na inirepresenta ni Atty. Gerald Tabadero para sa ika-apat na distrito ng Pangasinan.
Makakatuwang ng siyudad sa programang ito ang Pangasinan State University (PSU), Unibersidad de Dagupan (UdD), Philippine Science High School-Ilocos Region Campus, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Agriculture (DA-RO1), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region 1 at Nutridense Food Manufacturing Corporation.
(Dagupan CIO News)