The Official Website of the City Government of Dagupan

El Niño Task Force naka Alerto sa Posibleng Epekto ng Nararanasang Tag-init

Nakaalerto na ang binuong El Niño Prepareness Task Force sa Dagupan City na mangunguna sa paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño phenomenon.

Huwebes nang mag convene ang binuong Task Force sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez sa bisa ng Executive Order No. 10 alinsunod direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa implementasyon ng “whole-of-government approach” sa tinitignang seryosong epekto ng El Niño.

Ang El Niño ay isang weather phenomenon kung saan nakararanas ng below-normal na mga pag-ulan na maaaring magresulta sa tagtuyot.

Ayon sa PAGASA, posibleng tumama ang El Niño phenomenon simula buwan ng Hulyo ngayong taon na maaaring magtagal hanggang first quarter ng 2024.

Dito sa Dagupan City, nararanasan na ang epekto ng mataas na temperatura na umaabot sa 32-39°C at heat index na mula 40-50°C, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Pinakamataas na recorded heat index nitong Miyerkules (May 10) sa pumalo sa 44°C o nasa danger stage (42 °C to 51°C) ng Human Perceived Equivalent Temperature ng PAGASA.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na iwasang lumabas sa mga oras mula 10AM-3PM kung saan naitatala ang pinakamataas na heat index, ayon kay CDRRMO Head Ronald de Guzman.
Pinaalalahanan naman ng City Health Office ang lahat sa heat related disorder tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Payo ni Dra, Ophelia Rivera, City Health Officer, palaging uminom ng tubig upang malabanan ang init na naabosorb ng katawan at magbaon ng tubig kung hindi maiwasang lumabas ng bahay.

Hinihikayat din ni Mayor Belen Fernandez ang 31 Punong Barangay sa pagbuo ng Task Force El Niño sa kanilang nasasakupan.

(Dagupan CIO News)

Related Articles

20 November 2024
CITY TURNS OVER AGRICULTURAL MACHINERY TO LOCAL FARMERS
20 November 2024
ALS' PROGRAM'S 3-STOREY BUILDING, SOON TO RISE AT JUAN P. GUADIZ ELEM. SCHOOL
20 November 2024
3-STOREY 9-CLASSOOM SCHOOL BUILDING AT NORTH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL, SOON TO RISE