The Official Website of the City Government of Dagupan

#GROUNDBREAKING: 3-STOREY SPECIAL SCIENCE BUILDING SA DCNHS, SOON TO RISE!

Mainit na sinalubong ng mga estudyante si Mayor Belen Fernandez sa naganap na groundbreaking ceremony ng 3-Storey Science Building sa Dagupan City National High School (DCNHS) kahapon, Huwebes, August 1.

Bagong adisyon ito sa mga school infrastructure projects ng siyudad bilang suporta sa paglinang ng galing at talento ng mga kabataang Dagupeños.

Maalala na sa unang termino ng alkalde, naipatayo ang Special Program for the Arts (SPA) building sa DCNHS upang malinang ang kakayahan ng mga bata sa arts, music, theater, at dance.

Mula sa pondo ng siyudad ang ginagawang isa pang 2-storey 6-classroom School Building na sinimulan noong Marso, ngayong taon.

“Sa ngayon, patapos na rin po ang karagdagang 2-storey 10 classroom school building na ipinatayo sa tulong ni Abono Partylist Rep. Robert Raymund “Eskimo” M. Estrella, habang malaking pakinabang rin ang Sen. Edgardo Angara Multi-Purpose Center”, ani Mayor Belen.

Ang Science Building sa DCNHS ay katulad din ng proyekto ng alkalde sa Malued Elementary School taong 2019 kung saan mas mapapabuti na ang mga hands-on activities na bubuo sa potensyal at kagalingan ng mga estudyante ng Special Science Program.

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/473188335350519

 

Related Articles

21 January 2025
GAWAD BILANG 'KATANGI-TANGING PINUNO'
21 January 2025
CITY PARTNERS WITH HOLCIM PH, VOWS TO END 60-YR OLD GARBAGE CRISIS
21 January 2025
Commemoration of the 80th Anniversary of Gen. Douglas MacArthur Landing in Dagupan