The Official Website of the City Government of Dagupan

‘GULAYAN SA PAARALAN, PALALAGUIN!’ -MBTF

Ngayong simula na ang eskwela, target ngayon ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni, Mayor Belen Fernandez na muling palaguin ang “Gulayan sa Paaralan Program” na nagsusulong ng “food accessibility and sustainability”.

Upang maisakatuparan ito, namahagi sina Mayor Belen at ang City Agriculture Office sa pangunguna ni City Agriculturist Mary Ann Salomon ng mga fertilizers, seedlings at gardening kits sa mga paaralan ng siyudad.

Ang mga benepisyong ito’y mula sa The Church of the Latter Day Saints Humanitarian Services at suporta ni Senator Imee Marcos sa programang pang-agrikultura.

Mayroon ding 17 na magsasaka mula naman sa Barangay Bonuan Boquig, Malued, Pantal, Pugaro at Salisay ang tumanggap ng tig-dadalawang sako ng pataba at treelizers para sa mas masaganang ani at mas magandang kita.

Ito ay bilang pagtupad din ito SDG 2: Zero Hunger na isa sa 17 Sustainable Development Goals ng United Nations at kaakibat ng programang #GoodbyeGutom para sa hangaring wakasan ang gutom at malnutrition.

Kabilang sa mga paaralang tumanggap ng gamit para sa kanilang gulayan ang Bonuan Boquig Elementary School, Carael Elementary School, North Central Elementary School, Pantal Elementary School at Tambac Elementary School.

https://fb.watch/tInP0RgVvf/

Related Articles

12 December 2024
CITY SPARK HOLIDAY CHEER THROUGH LIGHTING CEREMONY, OPENS 2024 FIESTA
12 December 2024
2ND SUPER HEALTH CENTER PROJECT NG DOH, SOON TO RISE!
12 December 2024
LGU-DAGUPAN TURNS OVER SEC. ANGARA'S 3-STOREY MULTI-PURPOSE BUILDING TO BRGY. BONUAN BOQUIG