Nakipagpulong nitong June 7 si Mayor Belen Fernandez sa mga kinatawan ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) upang pag-usapan ang Project DANAS na may layuning palakasin ang kaalaman ng publiko hinggil sa mga disasters.
Sa pamamagitan ito ng pagkalap ng mga shared experiences ng mga aktwal na nakaranas nito tulad ng 1990 earthquake.
Nagbahagi rin sila ng mga kaalaman hinggil sa tsunami na naganap sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kasama ang mga informational materials tungkol sa mga kalamidad.
Nakatakdang maglecture ang grupo sa mga barangay councils tungkol sa mga naturang kalamidad at mga kahandaan ng komunidad para sa mga ito.