The Official Website of the City Government of Dagupan

“PUROKALUSUGAN SA BAGONG PILIPINAS” NG DOH, INILUNSAD SA DAGUPAN!

Sa Dagupan City inilunsad ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development 1 (DOH-CHD 1) ang ‘Purok Kalusugan’ na pinakabagong “primary care program” para sa mas pinalalawig na paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan.

Tulad ng programang “Home Visit” ni Mayor Belen T. Fernandez, target ng ‘PuroKalusugan sa Bagong Pilipinas na maibaba ang mga health services sa mga purok sa bawat lokalidad sa rehiyon.

Ihahatid po dito ang mga primary care services kabilang ang immunization, oral health, maternal health, tuberculosis control program, nutrition, non-communicable disease prevention and control program, and environmental and sanitation services.

“Bringing healthcare services closer to communities by bringing them into every purok/sitios.”

Binuksan ang programa sa Brgy. Mayombo nitong Miyerkules, July 31, sa pangunguna ni DOH Regional Director Paula Paz Sydionco at dinaluhan nina Dra. Shiela Marie Baniqued, Board Member at kinatawan ni Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico III, Vice Mayor BK Kua and minority councilors Jigs Seen at Dennis Canto, Mayombo Punong Barangay Arsenio Curameng and council.

Para sa kampanya tungo sa kalusugan ay nagtanim rin ang DOH, LGU Dagupan, at barangay council ng puno ng malunggay sa paaralan ng East Central Integrated School.

Nagbahagi ng iron fortified rice para sa nutrisyon ng mga chikiting, Enfamama milk supplement for pregnant and breastfeeding moms, feeding mula sa City Nutrition office, at iba pang serbisyo sa mga dumalo upang magpakonsulta.

Ang Purok Kalusugan program ay kolaborasyon po sa pagitan ng DOH, Dagupan LGU – City Health Office and City Nutrition Office at mga partner stakeholder ng lungsod.

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/1207714203692286

https://www.facebook.com/mbtfpage/videos/504970292074366

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid075Vgid94sU2LWNuq5rCHL641reUs9aJ3kbh6NngsvSe6awucb2HfRQbFVQTCsm4Sl

Related Articles

12 December 2024
CITY SPARK HOLIDAY CHEER THROUGH LIGHTING CEREMONY, OPENS 2024 FIESTA
12 December 2024
2ND SUPER HEALTH CENTER PROJECT NG DOH, SOON TO RISE!
12 December 2024
LGU-DAGUPAN TURNS OVER SEC. ANGARA'S 3-STOREY MULTI-PURPOSE BUILDING TO BRGY. BONUAN BOQUIG