The Official Website of the City Government of Dagupan

SUPER FAMILY HEALTH CENTER, HANDA NANG MAGHATID NG MALAPIT AT LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL

Handa na ang Super Family Health Center (SFHC) na maghatid ng mas pinalapit at libreng serbisyong medikal para sa mga Dagupeños, partikular na sa mga taga eastern barangays.

Ngayong araw, August 3, Sabado, ang blessing at inagurasyon ng pasilidad sa Brgy. Bolosan na pinondohan at itinayo sa tulong ng  Department of Health (DOH).

Ayon na rin kay DOH-Center for Health Development 1 Regional Director Dr. Paula Paz Sydiongco, ang P15M Super Family Health Center sa Dagupan ang pinakamalaki sa buong Region 1.

Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez, malaking tulong nito, lalo na sa mga taga barangays Bolosan, Salisay, Mangin, Tebeng, Tambac at Mamalingling, dahil libre ang mga medical services tulad ng mga sumusunod: medical check up, laboratory, maternity clinic, X-ray, ultrasound, at ECG na libre para sa mga mahihirap na Dagupeño.

Pebrero noong nakaraang taon nang simulan ang konstruksyon ng pasilidad na naglalaman ng birthing area/delivery room, minor OR/surgical room, ward, dental, laboratory, pharmacy, TB DOTS at iba pang out-patient services.

Bahagi rin ng pagsasakatuparan ng proyekto si Dr. Ashok Vasandani, philanthropist, na nagbahagi ng lot area para sa mas maluwag na daan o access road para sa mga pasyente at emergency vehicles/ambulance patungo sa pasilidad.

Nagsisilbing hamon man ngayon ang nakabinbin paring pondo sa Sangguniang Panlungsod para sa site development ng lugar, dahil hanggang sa ngayon, ayon sa 7 Majority members ng SP ay “pinagaaralan pa nila ito.” Iyan ay mula 2022, 2023, at ngayong 2024.

Sa ngayon ay temporary fence at puno muna ng malunggay ang itinanim sa tulong ng Bolosan Barangay Council sa pangunguna ni Kap. Nancy Morris, City Engineering Office, City Health Office, City Agriculture Office, Bantay Ilog at volunteers dahil kailangan nang buksan ang pasilidad at mapakinabangan na ito ng mga mahihirap na maysakit.

https://www.facebook.com/CIOdagupan/posts/pfbid034ZhW3Kgv9mTwsT6uyer3NkgJnmLMWxnQRZKr1ivton17gTZVNZPq8htCowisaQ3jl

https://fb.watch/tM1pOFPNyw/

https://fb.watch/tM1quQuUNm/

Related Articles

21 January 2025
GAWAD BILANG 'KATANGI-TANGING PINUNO'
21 January 2025
CITY PARTNERS WITH HOLCIM PH, VOWS TO END 60-YR OLD GARBAGE CRISIS
21 January 2025
Commemoration of the 80th Anniversary of Gen. Douglas MacArthur Landing in Dagupan