Umulan man o umaraw, tuloy ang #AlagangHealthyDagupeño hatid ni Mayor Belen Fernandez.
Kasama ang City Nutrition at City Health Office, sabayan ang pagsasagawa ng medical & dental check-up, consultation, libreng gamot, multivitamins at feeding program ngayong araw sa city plaza.
Nagpamahagi rin ang siyudad ng gatas at nutri-food packs (monggo, egg, banana, orange, RIMO rice+monggo cereal) para sa 200 bata, kasama ng nutrition education para sa mga magulang upang mabantayan ang wastong timbang at nutrisyon ng mga bata.
Ang aktibidad ay naaayon sa taunang selebrasyon ng #NationalNurtitionMonth na may layuning palawakin ang kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa wastong nutrisyon at kalusugan.
Hinihikayat din ni Mayor Belen ang pagtatanim ng gulay sa komunidad sa tulong ng mga Barangay Nutrition Scholars para sa sustainable food source sa layuning ang “Healthy diet, gawing affordable for all!”
Sa tala ng CHO, 121 patients ang na-cater sa medical at 20 patients sa dental services tulad ng dental consultation, tooth extraction, at fluoride application.
(Dagupan CIO News)